Dream Dates

Ayoko na magsinungaling sa sarili ko. Matanda na ko. Ayoko ng paniwalain ang sarili ko na okay ako at kuntento ako kahit na alam kong hindi. Gusto ko maging masaya at gusto kong matupad ang mga pangarap ko bilang babae. Kaya kahit ako nalang sa sarili ko, tutuparin ko ang mga sumusunod:
1. Gusto ko ma experience ang dinner date sa yate :”> (di ko kailangan isurprise ang sarili ko, ako naman magbubook nito eh. Pwede na rin walang flowers, pandagdag kilig yun pero mukhang tanga naman ako pag binilhan ko yung sarili ko non.)

2. Mag ha-hike ako. Makikijoin nalang ako sa ibang groups. At least kung may magrereklamo man, ako lang. Makakasigaw pa ko sa peak ng hindi nahihiya.

3. Magbi beach ako. Isasakto ko sa full moon. Ayos na kung walang romantic kiss under the moonlight and by the shore. Ganon talaga. You can’t have it all. At least I have the stars and the sky. Derecho star gazing na.

4. Mag roroad trip din ako pa – antipolo siguro or pa zambales. Rent nalang ng kotse para di hassle. Pero dapat pick up na may sound system at para pag bumyahe bukas lang yung window. Magbabaon ako ng madaming beer at iba ibang food. Magdadala din ako ng mat at unan just in case. Magsastart ako mag drive ng umaga then pag palubog na yung araw, dapat nasa mataas na lugar na ko or anywhere na kita ang sunset. Ilalabas ko yung mga baon ko then panonoorin ko ang sunset at derecho stargaze na hanggang sa lumamig. Uuwi ako ng bukas ulit ang mga bintana at may nagwawalang bass.

5. Syempre tetestingin ko din ang fine dining. Yung naka formal wear or kahit coctail dress at may 6 course dinner. May wine din dapat. Sana may set up ng tulad sa pinuntahan nung mga bida sa fault in our stars. Yung may mga seemingly short trees sa loob tapos puno ng christmas lights :”>

6. Subukan ko din mag date ng sarili ko sa may piano or violin sa may rooftop na venue or overlooking :”> (haaaayy.. Sweet. Sweet ko sa sarili ko.) I’ll make sure din that I’ve bought myself a pair of earrings or necklace or ring as a present. (Ayan, bongga na. Feel na feel ang romanticism. Dapat tipong February or December dapat para may extra fund hahahha.)

7. I’ll get into the process of buying my own unit, regardless if meron na kong napundar for my family. Tapos aayusin ko ito as a gift for myself and I’d enjoy upgrading the unit. Then pag naayos ko na, ipagluluto ko ang sarili ko and magpiprepare ako ng candle-lit dinner for myself. Then popcorn-movie marathon next day. Pahinga lang. Literal na me time- bonding time.

8. Mag i-early morning jogging ako sa park. Kakain ako ng taho pagtapos, fishballs na din tapos uupo sa damuhan hanggang sa maramdaman ko na pwede na ko umuwi.

9. Mag chicheck in ako sa hotel kung saan kita ang sunrise. Gigising ako bago pumutok ang araw at papanoorin kong umakyat ang araw hanggang sa masilaw ang mga mata ko. Mananatili ako sa higaan ko ng nakabalot sa kumot habang pinapanood ang araw.

10. Ibibili ko ang sarili ko ng isang malaking teddy bear sa carnival o kung saan man at yayakapin ko ito ng mahigpit.

Ang sarap isipin na magagawa ko ang mga nakalista dito ng hindi umaasa sa iba at mabigo ng iba. Kung sakaling may tutupad nito, sasaya talaga ako. Pero kung wala naman, at least I have myself. Kaya ko pa naman tuparin ang mga ito ng wala pa gaanong balakid. Patnubayan nawa ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s